Wednesday, November 14, 2012

Iwa Moto's rage!

Iwa Moto to Jodi Sta. Maria: "Be careful"




"Be careful" these are also the words of advice given to her by the girlfriend of her estranged husband.

“Sa akin na lang, ‘wag na nating gawing issue ‘yung pagkakampanya. [Pero] Parang ang pangit na ‘yung brother-in-law niya kinakalaban niya dahil sa boyfriend niya. ‘Di ko alam kung anong dating sa tao noon,”

Jodi Sta. Maria's brother-in-law, Ronald Jay and her rumored boyfriend, Jolo Revilla are eyeing the vice governor seat in Cavite in next year’s elections.

“So if I were her, I’d be careful,” Iwa added. “Kasi mahirap na, ‘yung mga actions mo ang balik sa ‘yo rin.”

Iwa is willing to help Ronald Jay in his campaign. “Si Kuya Jay is very nice and ‘yung family ni Pampi ay close na rin sa puso ko. Kung hangga’t makakatulong ako, why not?”

Iwa also said that the truth may not come out NOW.

“Sa lahat ng mga sinabi ko before, so far ngayon, unti-unti nang lumalabas lahat eh. Like I said before na kung mapapanood niyo ‘yung interview ko before, may mga sinabi ako doon and kung titignan niyo ‘yung mga lumalabas ngayon about her, lahat ng sinabi ko totoo naman eh,”

“’Yun na lang ‘yun eh. Parang common sense na lang ng mga tao ‘yun. Na parang okay, sige, mukha akong nagger or what at mukha siyang mabait dahil hindi siya nagsasalita. Pero alam mo ‘yun, nasa kilos naman ‘yun eh. And lahat ng tao, lahat ng baho natin, lalabas at lalabas din. Nagkataon lang talaga na unti-unting lumalabas ‘yung kanya,” 

Last June, Iwa Moto revealed in a television interview that Sta. Maria had an affair with her former boyfriend, Mike Ablan, two years ago while she was still married to Lacson.

In all that has happened and is happening is Iwa ready to settle things between Jodi?  “Hindi na naman siguro namin kailangang mag-usap kasi tapos na eh. Dalawa lang naman ‘yung mangyayari diyan eh. It’s either ‘wag na lang pag-usapan, o maging okay. So far, ngayon, di na lang pinag-uusapan. Medyo magkalayo rin kasi kami ng mundo.”

According to Iwa, Pampi has moved on.

 “Natawa lang siya. Parang sabi ko sa kanya, ‘Uy asawa mo o.’ Sabi niya, ‘Oo nga eh. Hayaan mo na ‘yan.’ Parang wala, he’s really done with it. Kung ako naman si Pampi, sa pinagdaanan ni Pampi, Diyos ko mado-done talaga ako with it. Good thing naman sa kanya, ‘di siya nagtatanim ng sama ng loob.”


“Ni minsan ‘di ko marinig sumigaw si Pampi. Napakahaba ng pasensiya niya. Sa lagay na ‘yan, talakera pa ako ah.

“’Yung driver ni Jodi, hanggang ngayon na kay Pampi. Umalis kay Jodi. Kung masama ba ‘yung tao may tatagal ba nang ganoon sa kanya?”

 “May mga tao na para pagtakpan ang mga kasalanan nila, minsan gagawa sila ng kwento at ang masaklap doon, pinaniniwalaan nila ‘yung kasinungalingan nila. So nakakaawa na lang sila.”


“Ayokong magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao kasi kilala ko sarili ko. And like I said before, hindi ako nandito para manira ng tao. People are asking me, I’m just answering back.

“Hindi na rin naman ako masyadong active eh. Hindi ko rin naman hinahabol na maging sobrang active, gusto ko lang continuous ‘yung trabaho. And I’m very, very happy with my life right now. So para saan para gamitin ko, ‘di ba?

“At saka hindi ako ‘yung type ng tao na maninira ng iba para may mapuntahan ako. Kilala ko ang sarili ko and I’m not that kind of person.”

~I just hope this rift between Iwa nad Jodi stops! Or at least Iwa stop talking already. Jeez...

-shaw

No comments: