Monday, July 30, 2012

Interview with Sarah Geronimo with her Parents (Full Scripts)

Sarah G gets emotional on her birthday presentation at "Sarah G Live!"

photo borrowed

Ai Ai de las Alas interview Mommy Divine and Daddy Delfin, Sarah's Parents:

Mommy Divine and Daddy Delfin's ideal man for Sarah.

Mommy Divine: “Alam ni Sarah ‘to, lagi naming pinag-uusapan. Pinagpi-pray lang namin at saka gusto lang namin (kung ano ang best para sa kanya), pero kung ano ang gusto niya ‘yun pa rin. Pero sa amin lang pinagpi-pray namin na makakatagpo siya ng lalaki na masasandalan niya for life, ang tutulong sa kanya intellectually, spiritually at sana ‘yung habang-buhay talagang di siya iiwan,”

Daddy Delfin: “Simple lang, ang makakapagtiyaga at matatanggap kung ano ang mga gusto namin at di lolokohin ang anak ko. ‘Yun ang importante do’n. Ayoko ng iiyak pa ang anak ko,”


Sarah: “Kung sino man siya siguro kailangan ng panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang itinitibok ng puso ko, o totoo ang itinitibok ng puso niya. Sabi niya time will tell (if we will end up together or not), hindi ang gusto ko, kundi ang gusto ng Diyos para sa akin.”

Mommy Divine insisted that the Lord will let her know if the right guy comes along, because she is the mother.

AiAi asked if the Lord had already sent the right for Sarah, Mommy Divine answered with,  “Hindi pa, wala pa. Alam ni Sarah ‘yon.” 

Did Mommy Divine stop Gerard from courting her daughter?

Mommy Divine: “Actually kami nga ni daddy ang nagbigay ng permiso na ligawan niya sa bahay (si Sarah). Kinausap talaga namin siya nang pormal. Sabi ko sa bahay lang pwedeng ligawan ang anak ko, hindi sa labas, hindi sa text. Sabi ko, ‘Kung mapagpapasensyahan mo ang patakaran namin… ganito kami and nirerespeto namin kayo, sana respetuhin mo rin kami kasi babae ang anak ko.’ Ewan ko kung dapat sabihin pero hindi yata ano. Parang hindi niya mapagtyagaan ‘yung ganon…


 Sarah defended her mom, “Sa totoo po talaga hindi po ang mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw talaga. Wala hindi po talaga.”

Mommy Divine's message for Sarah, “Natatandaan mo ang pinag-usapan natin sa CR?” “’Mommy, sorry’ sabi mo sa akin. Sabi ko, ‘Nak kahit ano’ng mangyari, magtampo man kayo, magalit minsan sa akin pero magiging firm ako sa stand ko. Kahit ano’ng tama para sa inyo lagi kong ilalaban para maprotektahan kayo, para hindi di kayo mapahanak at mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Maipagmalaki kahit sino, kahit saan kayo magpunta. Sino man ang masuwete para sa ‘yo, maging masuwerte sa ‘yo dahil pinag-ingatan ka namin, di ba?’”


 Sarah's message for her mom, “Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil buo tayo, Mommy at nandyan kayo para magabayan ako. Bumangon ako pag nagkakamali ako, minamahal ako kahit nagkakamali ako at patawad po dahil di po ako perpekto pong anak. Pero gagawin ko ang makakaya para patuloy kayong mahalin at sundin sa mga aral na binibigay (ninyo) sa akin dahil alam ko po na kayo ang nakakaalam ng makakabuti sa akin, so mahal na mahal ko po kayo.”

Darating din ‘yon, anak. Wag kang mag-aalala,”-- Mommy Divine's last word to Sarah

And Sarah answered, “Di naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang.” Then she hugged her mom while crying.


Photos courtesy of Push

-shaw

No comments: