Monday, June 04, 2012

Zoren Legaspi's interview with BB Gandanghari

The much awaited one-on-one interview between Carmina Villaroel's previous and present husband.


Read on how the interview went:

Zoren Legaspi: “Good afternoon mga Kapatid! I don’t know where to start, matagal nang hinintay 'to, pero urong-sulong ang communication kung magaganap ba o hindi. Pero ngayon, believe it or not it’s going to happen… and I’m here right now with Madame BB Gandanghari.
BB Gandanghari: Hello.

Zoren: “Is that correct? OK lang ba sayong tawagin kitang Madame BB Gandanghari?
BB: “Pwede bang BB lang?

Zoren, “Kasi, unang-una, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Papaano ko ba... how do I [address] her?
BB: “No thank you, but yeah, BB is fine.”

Zoren: “This is really the first time na magkikita tayo.
BB: “Tama! Tama! Actually, tinanong ako kanina dun sa pre-interview. Sabi ko 'Hindi pa kami nagkita. He has never met Rustom and I guess he's gonna be meeting BB,' so yeah.”

Zoren: “Nanay Cristy asked me, 'Kung iinterbyuhin mo si BB Gandanghari, ano yung unang itatanong mo sa kanya?' Out of nowhere I said, 'I want to know kung meron siyang sama ng loob sa akin or hinanakit.' Or something... na hindi mo pa nasasabi sa akin.”
BB: “Honestly wala, kasi sa totoo lang, wala ka naman talagang kinalaman dun sa kung ano man yung nangyari sa past ni Carmina at ni Rustom. At kung meron akong nararamdaman tungkol sa 'yo, hindi siguro sama ng loob o galit kundi pasasalamat actually, na I can see that you’re taking care of Carmina and I’m very happy. Ang gusto ko lang naman is mapunta sa maganda si Carmina... and I think that she’s very happy with you. If only for that, wala, wala, [akong] sama at samaan ng loob, wala. Galit, wala.”

Zoren: “Thank you! A, siguro para sa akin isang... how would I say it? Isang malaking tinik ang nawala sa akin. Dahil ayoko naman na meron kang sama ng loob sa akin… but you’re really correct, dahil I came when everything was already gone.”
BB: “Kung ang pag-uusapan si Rustom ha, kumbaga, bago pa namayapa si Rustom, hindi siguro sama ng loob yun o tampo, kung hindi, of course, at that time, parang siguro wini-wish niya na yung happiness na nararamdaman ninyong dalawa is sana na-experience din niya yun, siguro yun lang yun.”

Zoren: “Sino yung mga unang pumasok sa isipan mo sa iyong pag-amin na 'This is me.' Sino yung top three?
BB: “Actually, dalawa lang, e. Sa nanay ko, siguro kasama na yung pamilya at saka kay Carmina. Si Carmina.”

Zoren: “Dun sa mother mo muna, ano yung initial reaction niya and how you say it?
BB: “Yun na nga, pero alam mo, parang ironic, doon kasi, dun sa tatlong yun, si Carmina lang ang nakausap ko.”

Zoren: “What? Seriously? OK, nung aamin ka kay Carmina noon... nagpaalam siya sa akin and to be frank, I was afraid for her. Sabi ko, 'Teka, are you sure?' Alam mo, sabi niya sa akin, 'I think I owe him this.' Kasi the time na she needed to talk to you, pumayag kang kausapin siya… sabi niya, 'In return,' sabi niya, 'Papayag ako.'”
BB: “Dun ko nakilala si Carmina, dun nabuo yung respeto ko sa kanya… bilang tao. At sabi ko sa sarili ko na siguro sa lahat ng nangyari, it was a blessing na si Carmina yung naging parte kung may masakit man na nangyari o kung ano man pero… it was a blessing na kay Carmina. Lahat ng naging experience kasi napakaganda ng handling ng mga nangyari. I was very thankful and I was also very grateful na pumayag ka, kasi siyempre that time, may sarili na kayong buhay, e.

Zoren: “Yes, pero you know, isa lang naman yung kinuwento niya sa akin, e, dun sa pag-uusap ninyo. You said sorry to her, you said sorry to her, and nagtawanan na lang kayo after that.”
BB: “Oo.”

Zoren: “Was it difficult for you to say 'Sorry?' Or was it difficult for you to say 'Eto ako. And I’m sorry for all those years or whatever na nagtago ako?'”
BB: “Yes and no, kasi it was difficult because I didn’t wanna make her feel na there was deception at that time because probably there wasn’t. So yung pagso-sorry is, kung mangyayari man ito ngayon, baka masaktan ka. Kaya ako nagso-sorry, or baka maapektuhan ka, or baka meron kang maisip na hindi maganda. Kaya ako nagso-sorry. It was difficult also na sabihin sa kanya yun kasi ayoko na kasi pahabain, e, di ba? But nangyari yun kasi out of respect. Kasi kung merong isang tao na nakakilala kay Rustom, I think si Carmina yun, e, so I just thought I owed it to her… the honesty and all.

Zoren: “OK let’s compare, you and Rustom, not in a physical way, but more on character. Ano yung wala si Rustom noon, at si BB meron?
BB: “Siguro one, puwede ko masabi, Rustom is very insecure. Masyadong people pleaser si Rustom, e, siguro that’s one major different sa ’ming dalawa. Ako ngayon, I’m very self-assured, I know what I want, I know what I can do, and I don’t please people. If people like me, well I’m good… kung hindi naman, wala tayong magagawa… talagang ganyan, you can’t please everyone.”

Zoren: “Some people tinitingnan nila, 'O, si BB she’s this now, wearing heels, but deep inside... marami pala siyang pinagdadaanan. Anong plano mo sa future? Can you honestly say na kompleto ka na?"
BB: “Well, I can say I’m happy, but I can be happier, I always say that.”

Zoren: “Tama pala yung mga hinala ko na it’s not that easy, meron talagang pinagdadaanan at merong mga trial araw-araw.
BB: “Yes, yes! In fact, tinatanong nga nila if this a preference or what. Sabi ko, 'No, this is an orientation, my sexuality is an orientation; it’s not a preference. So it’s not a choice, because if this is a choice, wow! One hundred times kong iisipin if this will be my choice… but it’s not a choice… so kahit mahirap siya, kailangan mong harapin, kailangan mong tanggapin.”

Due to public demand, this interview was aired again in TV5 tonight for the late night talk show "Juicy".

This is interesting, BB Gandanghari or Rustom Padilla, Carmina's ex-husband came face-to-face with Zoren Legaspi, Carmina's present partner where they have 2 beautiful children.

It came a shock to many when Rustom Padilla admitted he was gay when he was inside Pinoy Big Brother's House Celebrity Edition in 2006. Even I who already has an idea was surprised.

It was such a shame since Rustom is a good looking guy and belonged to Padilla Clan who has a reputation for womanizing and vices. But nevertheless, it's done and there's nothing we can do about it.

Bless them...
-shaw

No comments: